15-Anyos na Dealer ng Droga, Timbog! Ginagamit ng 27-Anyos na Durugista!

Huli sa Akto si Totoy!

Arestado ang isang 15-anyos na binatilyong dealer ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operations sa Novaliches nitong nakaraang Miyerkules.

Sa ulat na inilabas ng Inquirer, ayon umano sa imbestigasyon ng Quezon City Police, ang nabanggit na suspek, (na hindi papangalanan dahil menor-de-edad), ay nahulihan ng P125,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot, at ito ay nasa 25 gramong shabu. Dagdag pa ng awtoridad, ang nasabing binatilyo ay kasama sa "Drug Watch List" ng pulisya.

Kasabay na nadakip sa operasyon sa Sta. Monica ang dalawa pang suspek na sina Rose Marie Ornido, 19, at Rommel Jacinto Jr., 27.

Batay sa mga sunud-sunod na balita nitong mga nakakaraan, kapansin-pansin na tila pabata nang pabata ang mga nasasangkot sa krimen. Hindi nga ba't kamakailan lamang ay may isang menor-de-edad din na walang takot na nag-akyat bahay sa kanilang lugar? Ano na ang nangyayari sa tinaguriang kabataang "pag-asa" ng bayan? Panahon na nga ba upang ibaba ang "Age of Criminal Liability"? Kayo na po ang humusga mga kababayan.

Source: Inquirer | GMA News

Previous
Next Post »