12-Anyos na Pusakal na Akyat Bahay, Timbog! Krimen, Ipinost pa sa Social Media!

Huling huli sa CCTV kung paano walang pagdadalawang-isip na ninakawan ng isang batang kawatan ang target nitong bahay sa Calamba, Laguna.

Sa ulat ng GMA News, kitang-kita sa camera kung paano sinipat sipat muna ng 12 anyos na batang lalaki ang nasabing bahay at pinag-aralan niyang mabuti kung paano ito papasukin. Hindi nagtagal ay nagtagumpay siya sa maitim niyang balak at paglabas ng bahay ay tangay tangay na ng batang kriminal ang ilan sa mga mahahalagang gamit ng may-ari ng bahay tulad ng isang handheld gaming console, apat na cellphones at isang laptop.

Batay sa imbestigasyon, napag-alamang nakatira rin ang nasabing bata malapit mismo sa lugar ng pinagnakawan niyang bahay, matapos magsumbong sa barangay ang mga biktima.

Tila walang takot pang ipinost ng batang kawatan ang mga ninakaw niyang gamit sa kanyang social media account kaya't madali rin siyang nakilala, maliban sa kopya ng CCTV. Tulad ng karaniwang eksena, nag-iiyak umano ang bata pagkatapos umamin nang ipatawag ng barangay at doon kausapin ng mga opisyal.

Ang masaklap, kulang na ang naisauling cellphone ng batang kawatan at binura na rin nito ang lahat ng laman ng laptop na kanyang tinangay.

Sa mg ganitong pangyayari o krimen kung saan menor de edad ang nasasangkot, madalas itong pagtalunan ng mga kababayan nating netizns. Panahon na nga ba upang ibaba ang edad para sa criminal liabilty? Sabi ng ilan, dapat daw bigyan ng pagkakataon ang mga ganitong kabataaan na naliligaw ng landas dahil "bata" pa raw ang mga ito at hindi pa gaanong alam ang kanilang ginagawa. Ang ilan naman, sinasabing kaya lumalakas ang loob ng mga kriminal na kabataan na gumawa nang masama sa murang edad ay dahil alam nilang hindi ganoon "kabigat" ang parusa sakaling sila ay mahuli.

Ano sa tingin niyo mga kapatid?

Source: GMA News

Previous
Next Post »