Trillanes, Gustong I-Show Cause Order ang Prosecutor na Nag-Apruba sa Kaso Niyang 'Inciting to Sedition'

Sa panayam kay Antonio Trillanes ng CNN Philippines, sinabi ng senador na gusto niyang ma-isyuhan ng show cause order ang prosecutor na nag-apruba sa kasong "inciting to sedition" na inihain laban sa kanya. Hindi raw dapat magamit laban sa mga senador ang kanilang privilege speeches.

"A senate president should have issued a show cause order to this prosecutor and question her wisdom why she forwarded this case... This should also be a signal to other prosecutors that they can not harass senators because of their privilege speeches," boladas ni Trillanes.

Hindi rin nakatiis si Trillanes at binanatan din nito si Senate President Koko Pimentel dahil hindi pinapaburan ang mga paandar niya.

"Definitely (Koko Pimentel is) not (strong leader). He is supposed to protect the institution." banat ni Trillanes.

Ang kaso laban kay Trillanes ay nag-ugat sa privilege speech niya kung saan sinabi nito na dapat gumamit ang mga militar ng machine gun para barilin si Pangulong Duterte dahil sa umano sa hidden wealth ng Presidente.

Sinabi ni Mr. Duterte bago lang, na pagka daw may nakitang 40 milyon pesos siya, doon sa kanyang accounts eh pwede daw syang barilin. Pwede daw syang barilin at patayin, sinabi niya ito sa mga sundalo... Ngayon, doon sa 40 milyon to 50 milyon, 21 times pumasok, ano to ha, credits ito at o kaya ay deposits, 21 times pumasok sa accounts ni Mr. Duterte kada anim na buwan…So ito ngayon sagot, kung makikita ‘to ng mga sundalo, M60 machine gun ang gagamitin sayo. Marami-rami to, mauubos magazine kung P40 million hinahanap mo, Mr. Duterte" sabi ni Trillanes sa kanyang talumpati sa senado.

Source: CNN Philippines via TRIA

Previous
Next Post »