Record Breaking! DU30 Gov't, Makakapagpa-aral ng 8,994 Scholars!

Isang napakagandang balita para sa mga mag-aaral ng bayan!

Record-breaking ngayong taon ang Department of Science and Technology-Science Education Institute sa pagtaas ng bilang ng kwalipikadong estudyante para sa kanilang scholarship program na sinimulan pa mula noong 1958. Ayon sa ulat ng PTV, nasa 69.6 porsyento ang itinaas nito kumpara noong 2015.

Inanunsyo ng DOST na may kabuuang 8994 na qualifiers ang nakapasok: 5172 mula sa RA 7687 Scholarship Program (ito ay para sa mga matatalino at kwalipikadong estudyante na walang sapat na kakayahang pinansiyal), habang 3882 naman ang pumasa sa ilalim ng DOST-SEI Merit Scholarship Program.

Ayon kay DOST-SEI Director Dr. Josette Biyo, partikular na layunin ng nasabing programa na tulungan ang mga mga-aaral na ang kurso ay nasa linya ng siyensya, teknolohiya, at matematika. Sinabi rin ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na ang pagtaas na ito ng bilang ng mga scholars ay hindi lamang maganda para sa mga kwalipikado at maging ng kanilang pamilya, kundi pati na rin sa buong bansa kung saan maraming isyu ang nangagailangan ng tulong mula sa mga Science and Technology Professionals.

Umaasa ang DOST na sa pamamagitan ng nasabing programa, ipagpapatuloy ng mga nakapasang mag-aaral ang kanilang mga pangarap sa larangan ng Siyensya at Teknolohiya at magamit ang kanilang kakayahan sa pag-angat ng bayan.

Ang bawat scholar ay tatanggap ng halagang P7000 kada buwan. Mayroon din silang tuition fee subsidy, book at MS/ PE clothing allowance, group accident insurance at isang economy class round trip fare kada taon para sa mga nag-aaral na lumuluwas pa mula sa kanilang probinsya.

Nawa ay magamit itong mabuti ng bawat mag-aaral hindi lamang para sa kanilang kinabukasan, kundi sa ikauunlad ng buong bayan. Itaguyod natin ang bandila ng matatalino at responsableng kabataang Pilipino.

Ito po ang ilan sa mga tugon ng mga kababayan natin sa mabuting balitang ito.

Source: PTV| Mocha Uson Blog

Previous
Next Post »