"Mga Tumitira sa Akin, Hindi Totoong Tao Lahat! Mga May Bayad!" - Leni

"Yung tumitira talaga sa akin ay well-oiled infrastructure, hindi siya totoong tao lahat, kaunting percentage lang yung totoong tao."

Ganito inilarawan ni FVP Leni Robredo ang maraming bilang ng mga Pilipinong galit sa kaniya. Hindi pa nakuntento, inakusahan niya pa na bayaran ang mga ito.

"Isa siyang napakamahal na set up na makinarya," akusasyon ni Leni.

Ibinunyag din niya na alam na nila kung saan daw nanggagaling ang umaatake sa kanya.

"At identified na namin kung sa nangagaling yung mga centers," sabi pa ni Leni.

Hindi naman pinalagpas ni PCOO Assec. Mocha Uson ang mga pinagsasabi ni Leni. Sa isang social media post, ipinakita ni Assec. Uson ang kakarampot na viewership na mayroon si Robredo sa kanyang radio/internet program. Kabaligtaran ito sa viewership na tinatamasa ng mga kilalang pro-government bloggers at ni Panguong Rodrigo Duterte na umaabot sa libo-libo.

"Madam LENI. Sa milyong milyong NETIZENS sa Pilipinas yan lang ang nanunuod sa inyo po. Mam time to go to the mountain and reflect. Dahil hindi lang sa ayaw niyong tanggapin na walang nakikinig sa inyo, tapos sa sabihin mo pa na hindi TOTOONG TAO ang mga DDS na NETIZENS? Mam time to search your soul po. Suggestion lang," banat ni Assec. Mocha.

Basahin niyo po ang reaksyon ng mga tao sa mga boladas ni Leni.

Kayo? Anong masasabi niyo sa mga pahayag ni Leni?

Source: UNTV | VOVph | Mocha Uson Blog

Previous
Next Post »