Mercury Drug, Tumulong sa DU30 Gov't! Nag-Donate ng P20 Milyong Medical Supplies sa AFP!

Magandang balita, mga kabayan!

Dalawampung milyong halaga ng libreng gamot at medical supplies ang ipagkakaloob ng Mercury Drug Foundation sa mga aktibong sundalo ng Armed Forces of the Philipiines.

Ang nasabing donasyon ay bilang bahagi ng pakikipagtulungan ng MDFI sa AFP na siguraduhing mabibigyan ng karampatang gamot at tulong medikal ang mga kapatid nating sundalo, sa sandaling mangailan ang mga ito, saan mang panig ng mundo.

Pinangunahan nina AFP Chief-of-Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero at Executive Director Annie Fuentes ang paglagda sa "Deed of Donation" kaugnay ng nasabing tulong. Ito ay isinagawa sa Silid Lapu-Lapu, AFP General Headquarters, Camp Aguinaldo, Quezon City noong Marso 20, 2018.

Ayon sa MDFI, ang naturang "partnership" nila sa AFP ay maghahatid ng pagbabago sa buhay ng ating mga sundalo.

Sinabi naman ni LT. Col. Emmanuel Garcia na magsisilbing inspirasyon ito ng mga sundalong Pilipino upang lalong pagpursigihang makamit ang kapayapaan.

Pangalawang hakbang na ito ng MDFI kung saan muli silang nagbigay ng libreng tulong sa ating mga buhay na bayani. Noong nakaraang taon ay naghandog din sila ng kaparehong halaga sa ilalim ng kanilang programang "Operasyon Bigay-Lunas: Libreng Gamot Para sa Kawal".

Ito po ang reaksyon ng mga kababayan natin sa good news na ito.

IKALAT po natin ang mabuting balitang ito.

Source: PTV | Mocha Uson Blog

Previous
Next Post »