May-ari ng Dimple Star Bus, Sumuko sa DU30 Gov't!

Sumuko na sa otoridad ang may-ari ng Dimple Star Bus Company na nasangkot sa malagim na aksidente sa Occidental Mindoro, kung saan 19 katao ang namatay. Sumurender ang CEO ng kumpanya matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga operators at drivers ng bus company. Ipinapakansela din ng Presidente ang lisensiya ng kumpanya. Ayon sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), madalas masangkot ang kumpanya sa mga aksidente. Ang Dimple Star bus ay mayroong 118 na bus.

"Lahat! Hindi lang cancel. I'm ordering all the bus of Dimple Star grounded. Alam mo bakit? Itong kumpanyang ito mukhang pera," sabi ng Pangulo.

Gusto rin malaman ng Pangulo kung gumagamit ng droga ang driver ng bus na nasawi rin sa aksidente.

"Sabi ko dito sa pulis, buksan ang katawan. Tignan kung may chemicals," dagdag pa ng Pangulo.

Ito po ang reaksyon ng mga kababayan natin sa pinakahuling balita tungkol sa Dimple Star accident.

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »