Kapatid ng Drug Lord na si Peter Lim, Tinambangan! Isa, Patay!

Tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga gunmen si Wellington Lim, kapatid ng umano'y drug lord na si Peter Lim. Nangyari ang ambush nang palabas na si Wellington sa Infinity Bar, malapit sa Cebu Business Park. Ayon sa ulat ng Sunstar Cebu, isang guwardiya ng establisiyemento ang namatay dahil sa ambush. Nakatakas daw sa pananambang si Wellington pero tadtad ng bala ang sasakyan nito. Base sa ilang saksi, hinabol pa raw ng mga hitmen si Wellington. 13 basyo ng armalite ang natagpuan sa crime scene.

Basahin ang reaksyon ng mga tao sa pag-ambush sa kapatid ni Peter Lim.

Source: Sunstar Cebu | Sunstar Cebu | VOVph

Previous
Next Post »