Jover Laurio, Kinasuhan Sina ThinkingPinoy at Sasot! Humihingi pa ng P2.1 Milyong Danyos!

Naghain ng reklamong violation of Data Privacy Act si Jover Laurio (Pinoy Ako Blog) laban sa mga pro-administration bloggers na sina RJ Nieto aka ThinkingPinoy at Sass Rogando Sasot.

Ang reklamo ni Laurio ay nag-ugat sa exposé na inilathala nila Nieto at Sasot, kung saan ipinakita ang koneksyon ni Laurio sa anti-gov't blog na Pinoy Ako Blog. Ayon sa reklamo, malisyoso raw ang ginawa ng mga pro-gov't bloggers laban kay Laurio. Balak din daw makakuha ni Laurio ng P2.1 milyong danyos mula kila Nieto at Sasot

Depensa nila Nieto at Sasot, lahat ng mga isiniwalat nila tungkol kay Laurio ay publicly available.

"All the information that we got from Jover Laurio are available in the public domain. That it's a crime to publish what's publicly available is just idiotic. Bring it on LP propagandist,"sabi ni Sasot.

Hindi naman pinalagpas ng mga netizens ang pagkakataon para birahin si Laurio sa paghahain nito ng reklamo.

Anong masasabi niyo sa hakbang ni Laurio?

Source: CNN Philippines

Previous
Next Post »