Isa sa mga Smuggled Cars na Winasak ng DU30 Gov't, Nakakahalaga ng P7 Milion!

Hindi nakaporma sa bulldozer ang 2004 Maserati Quattroporte na nagkakahalaga ng P7 million. Isa ito sa 14 smuggled luxury vehicles na sinira ng Bureau of Customs sa Cagayan. Ang kabuuang halaga ng mga 14 sasakyang winasak ay aabot sa P27 million.

Ang pag-sira sa mga smuggled cars ay paraan ng DU30 Gov't para ipakita sa smugglers na seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa smuggling at para ipakita na walang pupuntahan ang mga sasakyang iligal na ipinapasok sa Pilipinas. Ayon sa dating pahayag ng Pangulo Duterte, kung idadaan sa subasta ang mga sasakyan, mga smugglers din daw ang bibili sa mga ito, kaya mas mainam na sirain na lang.

Ito po ang ilang litrato ng mga luxry vehicles habang hindi pa sila nasisira.

Source: CNN Philippines | GMA News

Previous
Next Post »