Gold Trader, Kinasuhan ng P1.7 BILLION Tax Evasion ng DU30 Gov't!

Kinasuhan ng Duterte Government sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang gold trader ng P1.7 Billion tax evasion. Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, hindi umano nagbayad si Angelito dela Peña sa gobyerno ng kanyang buwis na mula sa kinita niya sa pagkakalakal ng ginto mula 2005 hanggang 2009.

Si Dela Peña ay nakikipagtransaksyon umano sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at naka-rehistro sa BIR revenue district No. 24 sa Valenzuela City.

Ang kaso laban sa gold trader ay ika-140 sa 144 kasong nakahain sa Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Cesar R. Dulay.

Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa pagsasampa ng kaso laban sa gold trader.

Source: PNA| Mocha Uson Blog

Previous
Next Post »