DU30 Gov't, Bibigyan ng Pensyon ang mga Farmers at Fishermen!

Iba talaga pag ang gobyerno ay may malasakit sa mga mamamayan nito.

Ibinunyag ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol na pinag-aaralan na ng gobyerno kung paanong matutulungan ang mga retiradong magsasaka at mangingisda. Ayon sa kalihim, ito raw ay paraaan ng pamahalaan para tumanaw ng utang na loob sa sakripisyo ng mga nagbigay ng pagkain sa bayan.

"Alam nating tayong taga-gobyerno meron tayong GSIS. Pag retire antin, pag medyo malambot na yung tuhod at nakakarayuman na, meron tayong pensyon maski papano, kahit kakaunti mayroong tayong natatanggap. Yung pribadong sektor naman na trabahante, merong SSS. Pero yung magsasaka at mangingisda, sabi ko nga, ang meron sila 'tiis-tiis'. Wala talaga eh, maski pambili ng gamot ng rayuma pagkatapos ang mahabang panahon na pagsisilbi sa bayan, pagpaparami ng pagkain at panghuhuli ng isda eh naiiwang kawawa yung ating magsasaka at mangingisda," sabi ni DA Sec. Piñol.

Ito po ang reaksyon ng mga tao sa plano ng gobyerno na bigyan ng pensyon ang mga magsasaka at mangingisda.

IBAHAGI po natin itong mabuting balita na ito.

Source: DZRH

Previous
Next Post »