Drivers at Operators ng mga Colorum Vehicles, Ipinapa-ARESTO ni P.DU30! "I want them to experience life in jail"

"So beginning tomorrow, all drivers (of colorum vehicles) will be arrested. I told the police, the highway patrol to find the operators and jail them also,"

Ganito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa wikang bisaya sa isang talumpati sa Supreme Tribal Council for Peace and Development (STCPD). Ito ay matapos malaman ng Presidente ang detalye sa kalagim-lagim na sinapit ng mga pasahero ng isang bus. 19 katao ang namatay sa bayan ng sabalayan, Oriental Mindoro nang mahulog sa bangin ang bus ng Dimple Star Bus Transport.

Ipapabaril din daw ng Pangulo ang mga operator at mga driver ng mga colorum na sasakyan kung manlalaban ang mga ito.

"If you resist arrest and the lives of the police were in danger, my order to them was to kill you," banta ng Pangulo.

Wala rin daw pakialam ang Pangulo kung magkaroon ng "political setback" ang kaniyang hakbang o kung mag-welga ang transport groups.

"I don’t care about… protest. I’ll give you one year to do so. I’ll just declare a one year vacation for everybody... The deaths (from mishaps) should stop. My heart bled for the victims. They died because of these sons of b*tch*s even if it was not yet their time," dagdag ng Presidente.

Nauuna nito ay binisita ni Pangulong Duterte ang mga biktima ng Dimple Bus at nagbigay ng tulong.

Suportado niyo ba ng 100% ang desisyon ng ating Presidente?

Source: Inquirer| GMA News | PTV

Previous
Next Post »