De Lima "Pag-Dismiss sa Kaso ni Espinosa ay Katunayang Inosente ako!"

"Ngayon nga pong inabswelto ng DOJ sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pang sangkot sa ilegal na droga, lalong napapagtibay ang aking pagiging inosente."

Ganito ang naging pahayag ni Senadora Leila De Lima matapos malaman ang pagkaka-dismiss ng Department of Justice (DOJ) sa mga kaso laban kay Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa.

Ayon sa ilang abogado, ang pagkaka-dismiss ng kaso sa DOJ nina Espinosa, Lim at iba pa ay hindi nangangahulugang abuswelto na ang mga ito. Hindi pa raw kasi umaakyat sa hukuman ang kaso kaya pwede pang ire-file ang asunto. Sa isang pahayag din ni Sec. Vit Aguirre, sinabi nito na ire-review uli ang kaso.

Hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang pahayag ni De Lima at agad rumesbak sa senadora.

Anong masasabi niyo sa mga sinabi ni De Lima?

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »