Byuda ng Sundalo, Inabuso ng Emplayado ng AFP! "Ipapuputol ko ang pensyon mo!"

Timbog sa kamay ng pulisiya si Luzviminda Valenzuela matapos ang isinagawang entrapment operation laban sa kanya. Ayon sa ulat ng 24 Oras, nangingikil umano si Valenzuela sa asawa ng namatay na sundalo at binabantaan pa ito na ipapaputol ang pensyon.

Ayon sa nagre-reklamo, Abril daw noong nakaraang taon nang humingi siya ng tulong sa suspek para makuha ang pension ng pumanaw niyang asawa, pero nangingikil raw si Valenzuela ng P200,000. Si Valenzuela ay isang civilian employee ng Judge Advocate General's Office (JAGO) ng Armed Forces of the Philippines.

"Nakakuha ako n'ung November, ma'am, ng P1 million...Ngayon, nagdaldal siya, bakit hindi ko daw siya binigyan," salaysay ng biktima.

Ito po ang komento at reaksyon ng mga kababayan natin sa kabalbalan ni Valenzuela.

Nahaharap sa kasong robbery extortion si Valenzuela.

IKALAT at IBAHAGI po natin ito para lumabas pa ang mga iba pang posibleng nabiktima ng taong ito.

Source: GMA News

Previous
Next Post »