Baril at Pampasabog, Nasamsam sa Pagsalakay sa Bahay ng Vice Mayor na sangkot Umano sa Kidnapping!

Nakumpiska ng Philippine National Police Anti-Kidnapping group ang ilang baril at mga granada sa pamamahay ni Angat Bulacan Vice Mayor Gilberto Santos. Ayon sa impormasyon ng mga pulis, si Santos ang itinuturong mastermind at financier ng kidnapping group na bumiktima sa negosyanteng si Raziel Bungay. Si Santos ang itinuturo umano ni Donato Jacod, miyembro ng New People's Army at kidnapper ni Bungay.

Inalmahan naman ng kamag-anak ni Santos ang pagsalakay ng mga kapulisan. Ayon sa kapatid ni Santos na si Atty. Ma. Theresa Villafuerte, itinanim lang daw ang mga ebidensiya.

Basahin ang komento at opinyon ng mga kababayan natin sa isyung ito.

Anong masasabi niyo? Planted nga ba ang ebidensiya o hindi?

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »