26 Containers ng Bigas ng NPA, Nahukay ng Militar!

Nahukay ng Armed Forces of the Philippines - 403rd Brigade ang 26 na plastic containers na may lamang bigas sa Valencia City, Bukidnon. Ilang biktima ng pangingikil at pang-aabuso ng New People's Army (NPA) ang nagbigay ng impormasyon sa militar kung saan itinatago ng mga rebelde ang kanilang supply.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na may nahukay ang militar na supply ng pagkain ng mga NPA. Noong Pebrero 14, konte-container din ng bigas at 2 drum na may pagkain at medical supplies ang nadiskubre sa Sitio Bulacao, Barangay Concepcion ng mga militar.

Ayon kay Brig. Gen. Eric Vinoya, commander ng 403rd Brigade, magtutuloy-tuloy ang operasyon ng gobyerno laban sa mga rebeldeng komunista.

Ito po ang reaksyon ng mga kababayan natin sa pagtatagumpay ng militar laban sa mga NPA.

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »