P522 Milyong Halaga Ng Pekeng Sapatos, Nahuli Ng Bureau of Customs!

Sangkatutak na mga sapatos at mga damit ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa lungsod ng Pasay. Ang mga kontrabando ay nagkakahalaga ng P521.93 million. Kasama sa mga brand na pineke ay Adidas, Nike, Lee, Underarmour at Crocs. May ilang non-branded na relo rin na nakumpiska.

Nanggaling ang tip sa isang concerned citizen. Ang warehouse ay pinangangasiwaan ng isang Lita Liao at pinauupuhan niya lang daw ito kina Mr. Ang, Mr. Gee at Mr. Ty. Hindi naaresto ang mga suspek dahil wala sila noong panahon ng raid. Makakausahan ang mga ito ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act in relation to Republic Act 8293 or the Intellectual Property Code.

Nagbabala naman si BOC Chief Isidro Lapeña. Magtutuloy-tuloy daw ang operasyon ng custom para masawata ang mga smugglers.

“The raid was part of BOC’s continued operations against all forms of smuggling of counterfeit goods to protect the consumers and the legitimate business community in general,” sabi ni BOC Chief Lapeña.






Source: PTV

Previous
Next Post »